Pages

Paggawa ng potato dextrose agar (PDA) - Tagalog Version

Mga Materyales:
·        200 gramo ng Patatas (Balatan at hiwain ng malilit na piraso
·        20 gramo ng Dextrose Powder (Mabibili sa mga Botika)
·        20 gramo ng Gulaman Bar (Pag-pirapirasuhin ng maliliit)
·        1 Litro ng Tubig (Distilled or Purified water)
·        Pressure Cooker o Steamer
·        Bulak
·        25 Pirasong Bote na Lapad (Emperador or Matador na Bote)
·        Salaan
·        Measuring Cup
·        Papel
·        Rubber Bands o Goma
·        Aluminum foil

Pamamaraan:

·        Ilagay ang hiniwang patatas sa kaserola. Lagyan ng 1 litro ng Tubig at pakuluan ng 20 minuto.





  • Salain at alisin ang patatas upang makuha ang sabaw o potato Syrup. Dagdagan ng Distilled water ang Potato Syrup hanggang sa maging 1 litro ang sukat. Isalin ang 1 Litro na Potato syrup sa kaserola.



  • Pakuluan ang potato syrup sa mahinang apoy, ilagay ang malilit na piraso ng Gulaman bar sa kumukulong Potato Syrup.
  • Haluin hanggang sa matunaw ang gulaman. Isunod na ilagay ang Dextrose Powder at haluing mabuti.
  • Haluin at Hayaang kumukulo sa mahinang apoy ang Potato Dextrose Syrup upang matunaw ng mabuti ang gulaman at Dextrose Powder.Ihanda ang malilinis na boteng lapad na paglalagyan ng Syrup.
  • Isalin ang Mainit na Syrup sa isang malinis na pitsel o lalagyan upang madaling maisalin ang PDA Syrup sa mga Boteng Lapad.
  • Kumuha ng malinis na imbudo at Isalin ang mainit na PDA Syrup sa lapad na bote na may sukat na 1 Pulgada o 1 inch mula sa ilalim ng bote.
  • Matapos malagyan ng PDA syrup ang bote. Takpan ng Bulak o Cotton plug ang bibig ng bote balutan ng papel at lagyan ng rubber band.
  • Lagyang ng Aluminum foil ang buong bibig ng bote upang maiwasan ang pagkabasa ng bulak  sa sterilization process na magiging sanhi ng kontaminasyon.
  • Isalansan ng patayo ang mga bote sa Pressure Cooker na may sapat na sukat ng tubig para sa sterilization takpan ng maiigi ang pressure cooker.
  • Pasingawan ang mga bote sa loob ng 30 hanggang 45 minuto sa loob ng pressure cooker. Simulan orasan kapag umabot na ng 18 PSI ang Presyon ng pressure cooker. bawasan ang pressure sakaling lumagpas na sa 18 PSI. dapat mapanatili lamang ang pressure sa 18 PSI ang presyon.
  • Sakaling walang pressure cooker maaaring pasingawan ang mga bote ng PDA sa Isang Steamer. Pakuluan ng 1 oras sa loob ng 3 araw. Tyndallization (Sa ganitong paraan ay hindi sigurado na ma sterilized ng husto ang mga bote ng PDA)
  • Matapos ma sterilized ang mga bote sa takdang oras. Maaari ng patayin ang apoy at pasingawin ang hangin sa release valve. Upang maalis ang presyon sa loob ng pressure cooker .(tiyakin na nasa 0 PSI na ang presyon bago buksan ang takip upang matiyak ang kaligtasan) At maari ng hanguin ang mga bote ng PDA
  • Matapos hanguin ang mga bote ng PDA dahan dahan itong ihiga ng pahilis upang lumapad ang PDA syrup sa loob ng bote. Tiyakin na hindi aabot ang syrup sa cotton plug.
  • Pagkalipas ng ilang mga oras ay mabubuo na ang agar at maaari na itong gamitin para sa inoculation o patatanim ng tissue ng kabute.







10 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
    Replies
    1. FOR FURTHER INFORMATION
      You may visit our Facebook page www.facebook.com/jmpmushroomfarm
      You may also directly call us at 09293839797 or 09475876070 or
      through our office landline number 02-5030362.
      You may also visit our company office at Farmchoice Agribusiness Enterprise,
      Block 1 Lot 9 Luke street, Del Mundo Village, Llano Caloocan City.
      Or send us an email through jmpmushroom@yahoo.com

      www.jmpmushroom.com

      Delete
  2. Tanong ko lang po kung ano pong klaseng mushroom ang kakalabasan nitong PDA after mabuo? Salamat!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sir, Add nyo po ako sa facebook para po maturuan ko kayo...

      www.facebook.com/jmpmushroom

      ang PDA po ay culture media.. yan po ang ginagamit upang maging pagkain ng mycelium o amag ng mushroom.

      Delete
    2. Depende po sa gusto ninyong uri ng kabute ang pwede ninyong i tissue culture dyan po sa PDA o Potato Dextrose Agar.

      Delete
    3. Nagpapaseminar pa po ba kayo, gusto ko pong mag-seminar!!!


      Delete
    4. FOR FURTHER INFORMATION
      You may visit our Facebook page www.facebook.com/jmpmushroomfarm
      You may also directly call us at 09293839797 or 09475876070 or
      through our office landline number 02-5030362.
      You may also visit our company office at Farmchoice Agribusiness Enterprise,
      Block 1 Lot 9 Luke street, Del Mundo Village, Llano Caloocan City.
      Or send us an email through jmpmushroom@yahoo.com

      www.jmpmushroom.com

      Delete
  3. Saan po b mkakabili ng agar bars po..

    ReplyDelete
  4. Good day sir ask ko lang wala na kasi ma bibili na gulaman bar dito sa amin powder po ang meron.bakit over moisture xa sir? Tama naman lahat na sukat ang ginawa ko tnx

    ReplyDelete